Thursday, June 29, 2006

Chapter I

Taong 1976.

"Kailan ang alis niyo patungong San Lorenzo?"tanong ni Dona Consuelo.

"Sa makalawa na, Amiga."sagot ni Dona Guada.

Nagdaos ng isang salu-salo ang prominenteng pamilya ng Rosario, isang handaan ng pamamaalam. Nagdesisyon ang pamilya na manirahan na sa lalawigan ng San Lorenzo para pamahalaan ang pagmamay-ari nilang asukarera doon.

"Basta Guada, huwag mong kakalimutan---", masayang kuwento ni Dona Consuelo, "kapag nagka-apo na tayo---sila ang dapat magkatuluyan!"

"Siyempre naman, Consuelo!"sagot naman ni Dona Guada.

"Mama naman---"sabi ni Corazon sa kanyang ina, si Dona Consuelo, "wala pa ngang nangliligaw sa akin!"

"Aalis na kami, Luzviminda!"paalam ni Alejandro.

"Paano na ako?"tanong ni Luzviminda.

Umiiling-iling si Alejandro.

"Wala, maiiwan ka dito."sagot nito.

"Hindi puwede, Alejandro."

"Luzviminda, huwag mo ng pilitin pa. Lihim lang itong relasyon natin."

"Walanghiya ka, iiwan mo na lang ako dito?"

"Tanggapin mo na lang!"

"Hindi mo ako puwedeng iwan na lang dito ng basta-basta, Alejandro!"naiiyak na sabi ni Luzviminda.

"Wala na tayong magagawa pa, Luzviminda."

"Eh, paano itong---itong anak natin?"

Natigilan si Alejandro.

"Ano? Anong sabi mo?"gulat na tanong nito.

"Oo, Alejandro, may anak ka---buntis ako."

"Hindi---hindi ko anak 'yan."

Mula sa labas ay tumawag si Dona Guada.

"Alejandro, mahuhuli na tayo sa airport."tawag nito.

"Oo, Mama", sabi ni Alejandro at nagpaalam na ito kay Luzviminda, "aalis na ako." At hinalikan nito sa noo si Luzviminda.

"Ngayong wala na ang mga Rosario, kailangang pumasok kang katulong sa mga Cruz."sabi ni Gurio, ang asawa ni Luzviminda, "at ako naman ay pupunta ng Maynila para magtrabaho."

"Ano?"gulat na tanong ni Luzviminda, "iiwan mo kami ng anak mong si George dito?"

"Huwag ka ng umangal pa, buo na ang desisyon ko,"paliwanag ni Gurio, "ipapasok daw ako ni Mang Dario sa sikat na ospital na pinapasukan niya sa Maynila."

Natigilan si Luzviminda. Naisip nito ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan na anak niya kay Alejandro. Gusto niya itong ipagtapat sa asawa at sabihing anak nila ito.

"Ano pa ang tinutunganga mo diyan?"sabi ni Gurio, "gutom na ako, magluto ka na ng panghapunan."

Hindi nasabi ni Luzviminda ang gusto nito.

Pagkalipas ng isang taon.

"Bilisan mo, Enrico!"pagmamadali ni Vanessa.

"Oo, sakay na!"pagmamadali ni Enrico.

Hinahanap ni Enrico ang susi ng kotse. Wala ito.

"Bakit?"tanong ni Vanessa.

"Wala 'yong susi!"sagot ni Enrico, "Vanessa, bumaba ka na lang, tumakbo na lang tayo---wala nang oras!"

Walang kaalam-alam ang mga magulang ni Vanessa.

"Sir, Sir, Senora, si Ma'am Vanessa---wala po sa kuarto niya!"sigaw ng isang katulong.

Nagising ang mag-asawa sa himbing ng pagkakatulog.

"Ano? Bakit? Tawagan niyo sina Don Tesoro, ipaalam niyo ito!"utos ni Don Lorenzo sa mga katulong.

"Ano? Baka ano nang nangyari kay Vanessa!"nag-aalalang sabi ni Dona Viktorina.

Dali-daling nagtungo sina Don Tesoro at Alejandro sa Mansion Laceste. Nang mga panahong iyon ay nasa Amerika si Dona Guada.

"Tinutoo ni Vanessa ang sinabi niya sa amin na sasama siya kay Enrico."sabi ni Don Lorenzo sa mag-ama.

"Sa tingin ko, hindi pa sila nakakalayo."sabi ni Alejandro.

Hinanap nila ang dalawa. Binantayan ang lahat ng maari nilang daanan.

"Ayun sila!"sabi ng isang tauhan ng mga Rosario.

"Bilis, habulin niyo sila!"utos ni Don Lorenzo.

Hindi dumaan sa kalsada ang dalawa. Binagtas nila ang malawak na asukarera ng mga Rosario. Narinig nila ang mga humahabol.

"Nandiyan na sila, Enrico!"sabi ni Vanessa.

"Huwag kang mag-alala, kahit anong mangyari---ipagtatanggol kita."

Maraming mga tauhan si Alejandro kaya walang nagawa ang dalawa. Naabutan din ang mga ito.

"Alejandro, puwede bang hayaan mo na ako, hindi kita mahal!"sabi ni Vanessa.

"Vanessa, sumama ka sa kanya!"galit na utos ni Don Lorenzo.

"Hindi, Papa!"

"Vanessa!"

"Hindi, hindi ako sasama!"

Inutusan ni Don Lorenzo na kalasin si Vanessa sa pagkakayakap kay Enrico.

"Huwag, huwag!"sabi ni Vanessa.

"Bitiwan niyo siya!"sabi ni Enrico.

Tinutukan nila ng baril si Enrico. Napilitan din itong bitiwan si Vanessa. Inilayo nila si Vanessa sa kanya, isinakay nila sa kotse at umalis na ang mga ito.

"Enrico!"tawag nito.

"Inagaw niyo na nga sa amin ang asukarera, dinaya niyo si Papa sa halalan---pati ba naman si Vanessa, aagawin mo pa!"galit na sabi ni Enrico kay Alejandro.

"Huwag ka nang maraming satsat, Enrico!"sabi ni Alejandro at nagpaputok ito ng baril, "ayaw na kitang makita dito sa San Lorenzo!"

Narinig ni Vanessa ang putok ng baril at akala nito ay pinatay ni Alejandro si Enrico.

"Pasalamat ka, Enrico,"sabi ni Alejandro, "tayo na, hayaan niyo na 'yan."

Bumalik si Enrico sa tahanan nila na malungkot.

"Anong nangyari?"tanong ni Don Enrique.

"Inagaw na nila si Vanessa sa akin, Papa."malungkot na sagot ni Enrico.

May sakit na leukemia ang ama ni Enrico, si Don Enrique Vistaverez. Si Dona Frederika naman na ina ni Enrico ay isang taon ng namayapa mula sa sakit na kanser. Naging gobernador si Don Enrique sa San Lorenzo nang ilang taon. Nang kinamkam ng mga Rosario ang pagmamay-ari nilang asukarera ay wala silang nagawa. Dinaya pa nila ito sa halalan.

"Ipangako mo sa akin, gagantihan mo sila. Pagbayarin mo sila, Enrico--bago ako mamatay."hiling ni Don Enrique sa anak.

"Oo, Papa,"sabi ni Enrico, "ipinapangako ko."

"Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!"galit na sabi ni Don Lorenzo.

"Hindi ko naman siya mahal, Papa. At kahit kailan hindi ko siya mamahalin."sagot ni Vanessa.

"Siya lang, si Alejandro lang ang dapat mong mapangasawa para hindi tayo tuluyang maghirap."

"Ano, para pagsamahin ang asukarera natin sa asukarera nilang kinamkam naman nila sa mga Vistaverez?"

"Basta sundin mo ako, magpakasal ka kay Alejandro!"

"Tama na, tumigil na kayo!"sumagot si Dona Viktorina.

"Ang hirap kasi sa inyo, Papa---hindi niyo iniisip ang kapakanan ko, sarili niyo lang."sagot ulit ni Vanessa.

Biglang hinimatay at hindi nakahinga si Don Lorenzo, inatake na naman ito sa puso. Dinala nila ito sa ospital.

Umalis si Gurio sa Cebu na hindi nasasabi sa kanya ni Luzviminda na buntis ito.

Sa ospital.

"Sana bago ako mamatay, pagbigyan mo na ako sa hinihiling ko, Vanessa."hiling ni Don Lorenzo.

Walang nagawa si Vanessa. Napa-oo ito sa naghihingalong ama.

"Patawarin mo ako, Enrico."sabi ni Vanessa sa isipan nito.

...itutuloy!